Menu Close

Online Art Camp: Poster Making Version 2 Contest

National Arts Month – Brimetone Academy Inc.

Ano ang National Arts Month?

Promulgated by then President Corazon Aquino in 1991, Presidential Proclamation No. 683 declares February of every year as National Arts Month to celebrate artistic excellence and pay tribute to the uniqueness and diversity of the Filipino heritage and culture.

This year’s theme?“SINING NG PAG-ASA”?aims to recognize arts as a source and expression of hope as shown in the creative ways we respond to the effects of the pandemic, natural calamities, and other social realities, as well as the arts’ role in improving our community life as Filipinos.

Pinagdiriwang natin ngayon ang National Women’s Month bilang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kababaihan sa ating lipunan. Matatandaan din natin na sa paparating na buwan ng Mayo, isasagawa ang pambansang halalan sa Pilipinas. Ang ating paaralan ay nakikiisa sa pagsaludo sa ating kababaihan at sa panawagan ng isang malinis at mapayapang paghirang sa susunod na mamumuno sa bansa.

Bilang bahagi nito, inaanyayahan ang bawat mag-aaral na makiisa sa ating National Arts Month: Poster Making Version 2 Contest sa darating na ika-8 ng Abril, 2022. Ang Poster Making Version 2 Contest ay naglalayong nahubog ang kakayahang pangsining ng mga mag-aaral kasama na kanilang pagiging malikhain.

Narito ang mga dapat tandaan para sa paligsahang ito:
1. Ang paligsahan ay nahahati sa tatlong kategorya:

NKP to Grade 3

Inaasahan:
Ang mga kalahok ay gagawa ng poster tungkol sa kanilang sarili bilang batang may malikhaing kaisipan.

Kalahok: NKP hanggang Ikatlong Baitang

Grade 4 to Grade 6

Inaasahan:
Ang mga kalahok ay gagawa ng poster tungkol sa kanilang ideya at pagkakaunawa sa kahalagahan ng mga kababaihan sa ating lipunan.

Kalahok: Ikaapat hanggang Ikaanim na Baitang

Grade 7 to Grade 10

Inaasahan:
Ang mga kalahok ay gagawa ng poster tungkol sa opinyon at ideya sa kung papaano natin malalampasan at mapagtatagumpayan ang pandemiya upang tuluyan makabangon ang bansa.

Kalahok: Ikapito hanggang Ikasampung Baitang

2. Ang paligsangang ito ay lalahukan ng lahat na mag-aaral sa bawat baitang. Para matiyak na ginawa nga ng bawat bata ang kanilang ipapasang poster, ang paligsahang ito ay gagawin habang nasa Tele-Class. Ang guro ay inaasahang magmamasid sa kanilang klase hanggang ginagawa ang paligsahan.

3. Ang mga gamit pangsining ay dapat ihanda ng bawat mag-aaral, narito ang mga pinahihintulutan na maaaring gamitin:
a. 1/4 Illustration Board bilang pagguguhitan
b. Lapis, Ballpen at Marker
c. Pangkulay: Kayola, Oil Pastel at Water Color o anumang maaaring gamiting bagay
d. Panukat: Ruler (with or without shape tracer)
e. Anumang gamit na pambura

4. Para sa pagkakaayos ng mga nilalaman sa gagamiting illustration board, tingnan sa ibaba:

5. Ang paligsahan ay nahahati sa dalawang araw na parehong gagawin habang nasa Tele-Class, (1.) Paggawa ng Poster-April 7, 2022 at (2.) Pagpapaliwag sa nilalaman ng Poster-April 8, 2022.

6. Pagpapaliwanag ng sa Poster, inaasahan na makapagbahagi ang mag-aaral ng kanyang naging ideya sa paggawa ng poster at mga kahulugan ng bawat bagay na nasa kanyang likhang sining.

7. Pamantayan sa pagbibigay ng puntos:
Ang pipili sa mga nanalo ay ang kanilang guro, isang guro sa ibang baitang at isang kawani ng Admin. Office batay sa mga sumusunod:
a. Pagiging Malihain – 40%
b. Nilalaman at Kabuluhan – 30%
c. Kaayusan sa Paggawa – 10%
d. Maayos na Pagpapaliwanag (Presentasyon) – 20%

8. Pagtimpala:
Ang paligsahang ito ay isasama sa gawaing pangkasanayan (performance task) sa Arts, Araling Panlipunan at iba pang nararapat ng asignatura batay sa pagpapasya ng guro. Maliban dito, bibigyan din sa darating na Recognition Rites ang:
1. Unang Gantimpala – Gold Medal at Sertipiko ng Pagkilala;
2. Pangalawang Gantimpala – Regular Medal at Sertipiko ng Pagkilala; at
3. Pangatlong Gantimpala – Sertipiko ng Pagkilala.

“Sa pagkakaisa, may tagumpay na makikita” kasabihang nais namin iparating sa aming mga magulang, mag-aaral at guro upang magkaroon ng makabuluhang resulta ang paligsahang ito. Magkakaroon ng maikling programa sa hapon ng April 8, 2022 para sa pagdeklara ng mga nanalo sa paligsagang ito. Nasasabik kana ba sa paligsahan ito? Kung mayroon kang nais linawin, mag-iwan lamang ng komento sa ibaba.

Leave a Reply