Menu Close

National Women’s Month: Kababaihan sa paglipas ng panahon

Kababaihang Pilipino

National Women’s Month – March 2022

Ang mga kababaihan tulad ng iyong ina, tita at lola, ay isang napakahalagang tauhan sa ating lipunan. Sila ang tanging dahilan kaya tayong lahat ay nagkaroong ng pagkakataong mabuhay sa mundo. Ngunit, ganito nga ba sila itinuturing ng sinaunang lipunan? Kung ang kasaysayan ang tatanungin, nakikita natin ang mababang pagpapahalaga sa kababaihan ng mga nakaraang siglo. Sa mga panahon iyon ay itinuturing na mahina at pabigat ang mga kababaihan. Ngunit lahat ay nagbago nang nagsimulang ipaglaban nila ang kanilang sariling karapatan na sinahaman ng pagpapakita ng mga natatangi nilang kakayahan.

Noong 1960-1970, naghanap ng paraan ang mga peminista upang mawala ang pang-aapi laban sa kababaihan. Ang kanilang kakayahan ang nagbigay sa kanila ng mas malakas na boses para sa pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae sa ating lipunan. Kung kaya’t ngayon patuloy nating binabago ang ating pagtingin sa kanila. Mababatid na natin sa kasalukuyan ang malaking pagpapahalaga sa mga naging ambag nila sa ating pag-unlad. Halimbawa na rito ang ating pagkilala sa mga kababaihang bayani tulad nina Gabriela Silang, Melchora Aquino, Teresa Magbanua, Josefa “Pepa” M. Llanes-Escoda, at marami pang iba.

Malayo na nga ang narating ng kanilang pakikibaka para sa pagkakapantay-pantay. Sa lahat ng sulok ng lipunan tulad ng edukasyon, trabaho at gobyerno, ay mayroon nang pantay na pagkakataon para sa kanilan. Isang halimbawa ang kasalukuyang pulitika, madami nang kababaihan ang tumatakbo sa iba’t ibang posisyon sa ating pamahalan. Madami ang natatawa’t hindi naniniwala. Ngunit marami na ang natulong ng mga babaeng ito sa pag-unlad ng bansa, at mas madami pang magagawa sa hinaharap. Bilang isang babae, ako’y naniniwala na hindi tayo magkakaroon ng ganitong pag-unlad at kaayusang panglipunan kung patuloy natin hindi binigyan ng pantay na karapatan ang bawat isa. Nakikita kong marami pa magiging ambag ang kababaihan sa ating modernong panahon tulad ng mga nagawa nila sa nakalipas na dalawang siglo.

Leave a Reply