Menu Close

“No Walk-in” sa pamamahagi ng DSWD Educational Cash Assistance

No Walk-in DSWD Educational Assistance

No Walk-in DSWD Educational Assistance – DEPED NEWS

Noong nakaraang August 20, 2022, matatandaan na nagsimulang mamahagi ang Department of Social Welfare and Development ng tulong sa mga mag-aaral. Ang tulong na ito ay sinasabing bahagi ng AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situations na isa sa mga serbisyong binibigay ng ahensya sa mga Filipino lalo na doon na mga nakakaraas ng krisis tulad ng kawalan ng pagkain, pera para sa pagpapalibing, kawalan ng kakayahan para sa transportasyon pauwi ng probinsya at iba pa.

Tatlong araw bago magsimula ang pamamahagi nila ng tulong na tinawag na AICS – Educational Cash Assistance, naglabas ng isang video ang kanilang Kalihim na si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo kung saan ipinapaliwanag niya ang mga bagay na dapat malaman ng mga tao tungkol sa tulong. Ngunit sa hindi inaasahan, dinagsa ng mga tao ang kanilang mga tanggapan para subukang nakakuha ng Educational Assistance. Mapapansin ang kaguluhan at pagkalito sa mga taong nag-aantay para mabigyan ng tulong.

No Walk-in sa pamamahagi ng DSWD Educational Assistance

Matapos ang pagkakaroon ng kunting kalituan sa simula ng pamimigay ng DSWD Educational Cash Assistance, humingi ang ahensya ng paumahin at nangakong aayusin ang kanilang sistema para sa nabanggit na pamamahagi ng tulong. Bilang resulta ng kanilang pagbabago sa mga panuntunan sa pamamahagi ng Educational Cash Assistance, hindi na nila iminumungkahi sa mga tao ang walk-in. Pinapayuhan ng Department of Social Welfare and Development ang lahat na nagnanais na makakuha ng nasabing tulong na mag-register online.

“No. Kasi ‘pag nag-walk in po magkakaproblema na naman po tayo. ‘Yun po ang mahigpit na instruction, this will be the difference,” pahayag ni DSWD Secretary Erwin Tulfo sa isang press conference

Tingnan: DSWD Educational Cash Assistance Online Registration Link sa lahat ng Rehiyon

Pinapaalala rin ng DSWD sa lahat ng nag-register online na mag-antay ng text confirmation mula sa kanila na naglalaman ng araw kung kailan kailangan pumunta sa kanilang tanggapan, gayundin, ang mga kailangang requirements. Ang pagbabagong ito ay ginawa ng Kagawaran para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao kung saan nawawalang bahala ang mga pag-iingat laban sa COVID-19.

Video Credits: DSWD Central Office
Basahin: Sinu-sino ang Hindi na Kwalipikado sa DSWD Educational Cash Assistance

“Aside from online, puwedeng QR code, puwedeng text kung hindi smartphone ang gamit nila, sasagutin naman namin. There is no more reason na sabihin nilang wala kaming cellphone. Tapos ‘yung mga anak nila nag-online naman last year, e di magpaturo po sila sa anak nila o ‘yung anak nila ang magregister. Madali lang po kaming hanapin, pupunta lang po sa website ng DSWD at d’un nila makikita ‘yun,” dagdag ng Kalihim ng DSWD.

Leave a Reply