Sa gitna ng hindi inaasahang pagbabago sa mga limitasyon bunsog ng Enhance Community Quarantine, ang paaralan ay minabuting maglabas ng bagong pamantayan at alitunton. Ayon sa Paragraph 1 ng School Memo. No. 14 s. 2020-2021, ang paaralan ay mamatiling magsisikap upang mapagsilbihan ang mga mag-aaral at magulang nito sa ilang pinakamahahalagang transaksyon “As indicated in IATF Resolution No. 106-A released last March 27, 2021, placing the entire Cavite Province in more restricted mobility protocol thru Enhanced Community Quarantine. At this quarantine status, the school is not able to fully operate as usually and must limit into vital school’s transactions. Furthermore, some of our teachers are now under Work from Home Scheme.”
Dahil na rin sa mahigpit na pagpapatupad ng mga pag-iingat laban sa sakit, pansamantalang pinapawalang bisa ang alitunton na nakasaad sa mga nakaraang polisya ng paaralan na pumapahintulot sa pisikal na pagkuha at pagpasa ng mga modules at iba pang gawain. Ito ay ayon sa Paragraph 2 “The school will temporarily suspend the implementation of School Memo. No. 5 s. 2020-2021 “Mga Pamantayan sa Pagbibigay at Pagsasauli ng Kagamitang sa Pagkatuto (Module)”, thus, all form of physical distribution and retrieval of module and other curricular activities are not allowed until further notice.” at Paragraph 5 “The school wants to reiterate its policy in relation to ECQ status that “there will be no allowed physical submission and retrieval of school related materials.” ng nasabing kautusan. Subalit nililinaw ng paaralan na hindi maaaring itigil ang kasalukuyang panuruan kaya’t inaanyayahan ang lahat na tangkilikin ang iba pang pamamaraan upang magawa pa rin ng mga bata ang dapat gawain. “The school encourages our learners to use Brimestone Online in their submission of activities.” Paragraph 7 of School Memo. No. 14 s. 2020-2021.
Malinaw rin nailagay sa nasabing kautusan ang ilang pagbabago sa School Calendar, Paragraph 3 “The implementation of ECQ resulted in some delays of other school activities including those within teacher’s work time-frame, thus, it is just and rightful to make adjustments of school calendar, these adjustments are stated below:
April 5 – 12, 2021 – Campus Wellness Program
April 12 – 16, 2021 – Class Break (No Online Classes)
April 12 – 16, 2021 – Teacher’s Training
April 19 – June 18, 2021- 4th Quarter Period
June 10 – 11, 2021 – 4th Quarterly Summative Assessment
June 21, 2021 – Recognition and Graduation
Ang mga pagbabagong ito ay bunsog ng ilang pagkaantala sa ilang mga gawain tulad ng 3rd Quarterly Summative Assessment at upang mabigyan na rin ng oras ang mga mag-aaral at magulang na makapagpahinga sa mga gawain sa paaralan. Ito rin ay magbibigay ng oras para muling paghusayin ang ilang pagsasanay sa ating kaguruan. “Class Break is intended as a short Academic Break for all learners and there will be no Tele-Class on this duration, however, teachers and the school implement some offline curricular and extra-curricular activities. The school is now preparing for various trainings for teachers as part of our commitment in improving the quality of learning and innovations towards education. These trainings will be held online from April 13 to 16, 2021.” Paragraph 4 at 8 ng nasabing kautusan.
Ayon naman sa Paragraph 6, ang unang module para sa ikaapat na markahan ay ilalabas sa darating na April 16, 2021 sa pamamagitan ng pisikal na pagkuha kung papayagan sa ilalim ng umiiral na guidelines ng IATF o sa pamamagitan ng online distribution. Mas mahalaga sa ating paaralan ang kaligtasan ng bawat isa habang pinapanatili natin ang ating pagsisikap na maturuan ang ating mag-aaral.