Menu Close

Mga Ilang Pagbabago sa mga Gawain sa Buwan
ng Disyembre, 2020

Isang pagkakataon ang nangyari noong unang araw ng 1st Quarterly Summative Assessment na nagbigay sa atin ng maraming batayan para mas pag-igihin ang mga programa ng paaralan. Ang pangyayaring iyon ay bunga na ilang hindi sinasadyang pagkakamali ng aming IT sa ilang mahalagang programming codes sa Core Server. Ngunit, gayon nalang ang bilis ng naging aksyon ng BSA IT Support para ayusin ang naging problema at maipagpatuloy ang nasabing Assessment. Bilang paunang pamamaraan upang maiwasan na maulit ang kaparehong pangyayari, magkakaroon na ng buwaang Maintenance Downtime ang system tuwing ikatlong linggo.

Nais ring iparating ng ating pamunuan na hindi muna mamimigay ng module sa darating na ika-4 ng Disyembre, 2020. Kaugnay nito, nililinaw rin ng ating pamunuan na ang Module 1.7 na nakatakdang talakayin simula Disyembre 2 – 10, 2020 ay kabilang na sa 2nd Quarter Period. Ang mahabang oras na nailaan sa Module 1.7 ay inaasahan ding magagamit para ang lahat ng mag-aaral ay makapagpasa ang mga academic requirements sa bawat assignatura.

Bahagi na rin ng ating kultura ang pagkakaroon ng masayang pagsasalo-salo sa bawat klase bago magsimula ang Christmas Break, ngunit dahil sa kasalukuyang sitwasyon mahigpit na ipinagbabawal ng paaralan ang pagkakaroon ng mga gawaing mangangailangan ng pisikal ng prisensya ng mag-aaral. Ngunit, hinihikayat natin na ang bawat isa ay makibahagi ng kusa upang maiparamdam ang pasko sa pamamagitan ng pagtulong sa atin mga kababayan na lubos na naapektuhan ng bagyo gamit ang Humanitarian Organization ng ating principal. Para sa nais makibahagi, mag-iwan lamang ng mensahe sa adminoffice@brimestoneimus.com. Bilang panghuling pagpapaalala, ang opisyal na huling araw ng pasok ng Disyembre ay sa daraing na ika-18 kaya lahat ng gawain na may kaugnay sa paaralan tulad ng Tele-Class at Module Release and Retrival ay hanggang sa araw na nabanggit. Bigyan natin ng panahon ang lahat upang makapagpahinga sa lahat ng obligasyong pangpaaralan.

Leave a Reply